Aking KATHANG-ISIP

Matagal na'ko sa mundo ng tumblr. Naisipan ko lang gumawa ng bagong account dahil trip ko lang. Madalas akong tambay sa bahay. Wala akong mabuting naidudulot sa mga taong nakapaligid sa'kin. Isa lamang akong salot sa lipunan, alikabok sa Edsa, dumi sa septic tank, sebo sa pinggan, split-ends sa buhok, rabbies ng aso, retaso ng tela, tar-tar sa ngipin, mantsa sa damit, bato sa daan, pulubi sa kanto...IN SHORT-WALANG KWENTA... Ngunit sa simpleng blog kong ito pakiramdam ko magkakasilbi ako. Hindi ko kayang makipagsabayan sa MUNDO niyo kaya dadalhin ko kayo sa mundo ko...PUMIKIT KA'T LILIPAD NA TAYO:)))

Proudly Pinoy!

  • ECHOS LANG

    ECHOS LANG

    ECHOS LANG

    May naisip kasi ako bagong idea nung napanood ko yung “Miko” short film yun dati starring Raymund Concepcion and son niya si sam. What I like sa kwento ng miko is na-gets mo na agad yung problem in just 5minutes film. I don’t know if trailer lang yun pero malakas pakiramdam ko na yung buong film is 5 minutes lang. Grabe in a short period of time na-execute ng maayos yung kwento ng batang si Miko. Since mawala yung mama niya di na siya masyadong nagsasalita. Worried na yung papa niya pero later on pinakita sa film na hindi dahilan ng kawalan ng gana sa buhay ni miko ang pagkawala ng mama niya, lumalabo na pala ang mga mata niya at hindi na siya makakita ng maayos… Galing yun din ang gusto ko ng mangyari sa film na gagawin namin. Tragic nga lang yung naiisip ko. Sobrang pag-ibig. Simpleng usapan lang ng mag-asawa sa kama. Maraming hinanakit yung lalaki na  inerereklamo  niya sa asawa niya but at the end of the film  malalaman ng lahat na patay na yung taong kasama niya sa kama. Nilason niya. I know hindi siya magandang film kasi masyadong tragic kaya lang naisip ko lang yun dahil din sa kwento ng Romeo and Juliet.

    Eto yung flow:

    Puro picture frames yung ipapakita sa loob ng bahay then flashback every picture frames. (ibig sabihin may kwento every picture frames) mabilis lang yung flash back. As usual sepia yung magiging kulay ng flash back. VOICE OVER habang pinapakita yung mga flashbacks…hindi ko alam kung babae  lalaki yung gusto kong maging killer pero mas okay siguro kung lalaki kasi kapag sobrang mahal ng lalaki ang isang babae gagawin niya lahat.

    VOICE OVER (HUSBAND):

    Unti unti niyang itataob lahat ng picture frames tapos kapag napunta na siya sa pinakahuli (picture ni Lisa - yung asawa niya) Mahuhulog niya yun tapos mababasag yung frame. Kukunin niya yung picture ng asawa tapos masusugatan siya. Tititigan niya. Makakarinig siya ng ugong ng sasakyan. Sisilip sa bintana. Makikita niya si Lisa. May lalaking naghatid sa kanya tapos makikita niyang hahalikan nito ang asawa. Sa halip na labasin niya ang dalawa. Hinanda na niya ang hapunan nilang dalawa. Masasarap na pagkain. Papasok si lisa. Magbibiro pa na “parang huling hapunan na natin ha…lahat ng masasarap ng pagkain niluto mo na” aasikasuhin niya ang asawa.

    VOICE OVER (HUSBAND):

    SA KWARTO…katatapos pa lamang maligo ni Lisa. Papasok si Adrian. May dala siyang gatas para sa asawa. Matapos inumin ni Lisa ang gatas matutulog na siya. Hihiga sa tabi niya si Adrian at aakmang hahalikan niya ang asawa pero iiwas si Lisa

    MONOLOGUE NI ADRIAN:

    After nung yayakapin ni adrian si Lisa ng mahigpit. Ipapakita sa camera na bumubula na ang bibig ni Lisa. Flashback ulit sa ginawang paglason ni  Adrian sa asawa. Matapos aayusin ni Adrian ang asawa.iinumin niya ang natirang lason at hahawakan ang kamay ni Lisa.

    "matulog na tayo ng mahimbing mahal…at di na muling magising pa…"

    Papatayin niya ang ilaw at unti unting ipipikit ang mga mata.

    Sa camera ipapakita yung unting paglabo ng paningin ni adrian hanggang sa dumilim tapos credits na..

    KINILABUTAN AKO SA IDEA KONG TO’

     SANA MAISAPELIKULA NAMIN.. HOPE SO :))))